• Government at Work

    • Grand Opening ng SM Cherry Antipolo, Dinagsa

      DAAN-DAANG katao ang dumagsa sa blessing at Grand Opening ng SM Cherry Antipolo na pinangunahan nina SM Prime Holdings Inc. Non-Executive Director at Executive Committee Chairperson, Mr. Hans Sy at SM Prime Holdings Inc. President and Executive Director, Mr. Jeffrey C. Lim, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Governor Rebecca “Nini” Ynares, noong Hunyo 30, 2017.

    • Alok ng Antipolo City sa Senado, Tinalakay sa Flag Raising Ceremony

      Tinalakay ni Mayor Jun Ynares (larawan) noong Hulyo 3, 2017 sa Flag Raising Ceremony sa harap ng mga kawani ng pamahalaang lokal at panlalawigan ang naging alok ng Antipolo na 25 hektarya sa Senado ng Pilipinas upang gamiting lupang pagtatayuan ng kanilang Punong-tanggapan.

    • Galing ng Antipoleño, Kinilala sa Gawad Rizal 2017

      DALAWANG Antipoleño ang napabilang sa “Ten Most Outstanding Rizaleños” na kinilala sa Gawad Rizal 2017 noong Hunyo 21, 2017 sa SM City Event Center, Masinag. Pinarangalan sina Remedios G. Aquino at Sergio R. Ortiz-Luis Jr. matapos magpamalas ng kanilang husay sa larangan ng Education Management at Export Business.

    • Zero Poverty sa Antipolo, Sinulong sa Kabundukan

      SINIMULAN na ang pagsugpo ng kahirapan at pagpapaganda sa kalidad ng buhay ng mga katutubo sa malalayong lugar sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinagawang Convergence Building Zero Extreme Poverty PH 2030 seminar noong Hunyo 16, 2017 sa Antipolo City Hall.

    • Antipolo City Gov’t at DSWD, Nagbigay Tulong sa mga Street Children at Kanilang mga Pamilya

      TUMANGGAP ng cash assistance na nagkakahalaga ng P 460,000 ang mga street children at kanilang pamilya na miyembro ng Antipoleño Pamilyang Pilipino Sustainable Livelihood Program Association mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DWSD), noong Hunyo 19, 2017 sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park.

    • Antipolo Mayor Ynares, Isang Ulirang Ama

      Si Mayor Jun Ynares, kasama ang kanyang may-bahay at kanilang dalawang anak, matapos ang pagtanggap sa prestihiyosong parangal na “Ulirang Ama Awardee 2017” mula sa Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc sa isinagawang awarding ceremony, kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, noong Hunyo 18, 2017 sa Manila Hotel.

    • Mahusay na Pagbabasa ng mga Estudyante, Isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Antipolo

      GINANAP ang Antipolo City Reading Summit na may temang “Building Better Readers”, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Planning and Development Office (CPDO) noong Hunyo 9, 2017 sa Hinulugang Taktak Hall kung saan pinag-usapan ang “State of the Reading Address” o estado ng kakayahang magbasa ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.

    • LGU-Clarin ng Misamis Occidental, Binisita ang Suman Production sa Antipolo

      Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, sina Mayor David Navarro at ang mga kasamahan nito sa munisipalidad ng Clarin, Misamis Occidental sa naganap na lakbay-aral hinggil sa “Enhancement of Suman Production” noong Mayo 16, 2017. Ito ay may kaugnayan sa Bottom-Up Budgeting (BUB) Project ng nasabing munisipalidad sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

  • Latest News

    • Joshua's Heart Foundation (JHF) Gift Giving / Distribution of Basic Needs

      MEDIA ADVISORY

      JOSHUA’S HEART FOUNDATION (JHF) GIFT GIVING/DISTRIBUTION OF BASIC NEEDS.

      BENEFICIARY : KANLUNGAN NG KABATAAN VILLAGE SHELTER, BARANGAY LOWER SAN ISIDRO

    • Mga Paaralang may MRF at Urban Garden sa Antipolo, Umabot na sa 37

      Kampanya kontra polusyon at basura ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, mas pinagtibay sa pagbubukas ng bagong Materials Recovery Facility (MRF) sa Lores Elementary School. Nadagdagan muli ang mga angkop na pasilidad laban sa maling pagtatapon ng basura noong Hunyo 29, 2017. Sa kasalukuyan umabot na sa 37 ang mga paaralan sa lungsod na nagtatayo ng MRF. Nakiisa at nagbigay ng maikling talumpati sina Kon. Nixon Aranas (dulo kaliwa), Kon. Eddie Lagasca (gitna), CEWM-Officer Daisy Lumio, PB Andeng Cabasbas, at dating Teresa Mayor Rodel Dela Cruz.

    • Malawakang Kampanya Kontra Rabis, Isinulong sa Antipolo

      PINAGTIBAY ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Veterinary Office (CVO), ang kampanyang kontra rabis sa pagsasagawa muli ng “Massive Anti-Rabies Vaccination” sa Brgy. Calawis, Brgy. Inarawan, at Brgy. Dalig. Sa ilalim ng programa para sa buong buwan ng Hunyo 2017, umabot sa 2,687 na hayop ang nabigyan ng libreng bakuna kontra rabis. Kaakibat ng aktibidad ang veterinary medical mission sa mga livestock animal ng lungsod.

    • 330 Arbor Day Volunteers, Nagtanim ng 1,500 na Punongkahoy sa Antipolo

      PINALAKAS na kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, laban sa lumalalang pagbabago ng klima at wastong pamamahala ng basura ang naging tampok sa pagdiriwang ng taunang Philippine Arbor Day o National Tree Planting Day kung saan nagtulong-tulong ang 330 volunteers sa pagtatanim ng 1,500 na punongkahoy sa Antipolo City Controlled Disposal Facility (ACCDF), Brgy. San Jose noong Hunyo 25, 2017.

    • Bagong MRF at Urban Garden sa Paaralan sa Antipolo, Nagbukas Na

      BAGONG Materials Recovery Facility (MRF) at Gulayan sa Paaralan ang nagbukas sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hunyo 28, 2017 sa Mayamot Elementary School (MES) kasunod ng mas pinaigting na adbokasiya ng pamahalaang lokal na solusyunan ang suliranin sa basura at polusyon. Umabot na rin sa 36 na paaralan sa lungsod ang nagtatayo ng MRF bilang suporta sa YES Program ng Rizal Provincial Government.

    • Lungsod ng Antipolo, Muling Nakiisa sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill 2017

      SAMA-SAMANG nag-duck, cover and hold muli ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Huwebes, Hunyo 29, 2017. Sa pangunguna ng City Disaster Risk-Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Prevention (BFP), matagumpay na naisagawa ng mga lumahok ang naturang shake drill patungo sa Sumulong Park na siyang itinakdang evacuation area.

    • Savings sa Paglipat ng Senado sa Antipolo, Sapat na upang Irehab ang Marawi

      Pasay City – Kung sakaling pipiliin ng Senado na lumipat sa Antipolo, makakatipid ang Mataas na Kapulungan ng mahigit kumulang na 4.14B bilyon piso dahil libreng ibibigay ang lupa ng lokal na pamahalaan at mas mababa ang building construction cost. Ang nasabing halaga ay sapat na upang gamitin para irehabilitate ang Marawi City na dumaranas sa isang matinding krisis sa ngayon.

    • Mga Kawani ng Senado, Aprub sa Paglipat sa Antipolo

      Pasay City – Dumadagundong na “YES!” ang naging tugon kay Senate Secretary Lutgardo B. Barbo sa pagtatapos ng employees forum na dinaluhan ng mga opisyales at kawani ng Senado kung pabor ang mga ito sa paglipat ng Senado sa Antipolo.