GINAWARAN ng National Library of the Philippines (NLP) ang Antipolo City Library sa pagkakapanalo nito ng ikaapat na pwesto sa 2016 Search for Outstanding Public Libraries of the Philippines.

Dalawang parangal ang iniuwi ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa ginanap na 2016 Regional Nutrition Awarding Ceremony CaLaBaRZon noong Nobyembre 11, 2016 sa Acacia Hotel, Alabang, Muntinlupa City. Kinilala si Ms. Thelma S. Lontoco ng Barangay Mayamot bilang 2015 Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) at ang Barangay Bagong Nayon bilang Finalist ng Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC).

Pinarangalan ang Antipolo City bilang pangatlo sa buong Pilipinas sa Best Tourism Week/Month Celebration ng Department of Trade (DOT) at ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) sa ginanap na 11th ATOP-DOT Pearl Award noong Oktubre 6, 2016 sa Royce Hotel, Clark Pampanga. Binigyang pansin ang mga magandang proyekto ng lungsod na bunga ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong establisyemento na nagsusulong at nag-aangat ng turismo.

PINARANGALAN bilang 2015 Regional Champion pagdating sa Conduct Referral and Placement ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Public Employment Services Office (PESO)  Assessment at General Assembly ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A na ginanap sa Biñan, Laguna noong Hulyo 29, 2016.

Umangat ang Lungsod ng Antipolo ngayong taong 2015 bilang 6th Overall Most Competitive Component City sa buong Pilipinas mula sa ika-26 na pwesto noong 2014. Kinilala ang maunlad na lungsod sa 3rd Regional Competitiveness Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City nitong nakaraang Hulyo 16, 2015.

Pagkatapos parangalan ang Antipolo City bilang 3rd Most Competitive City sa buong Pilipinas, muli na namang umani ang lungsod ng pagkilala mula sa National Nutrition Council (NNC) nang gawaran ito ng “City Outstanding Barangay Nutrition Committee Award” sa buong Region IV-A noong Septyembre 8, 2015 sa ginanap na 2015 CaLaBaRZon Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Hotel Jen, Pasay City.