• Government at Work

    • Seal of Good Local Governance Award from DILG

      Sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Rizal Provincial Government nitong Lunes ng umaga sa Ynares Center Complex, tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

    • Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Nakiisa sa Selebrasyon ng World AIDS Day

      SAMA-SAMANG nilabanan ng mga Antipolenyo ang sakit na AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) matapos ipagdiwang ang World AIDS Day mula sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares,  noong Disyembre 2, 2016 sa Our Lady of Fatima University (OLFU) – Antipolo Campus.

    • Antipolo City: Tayo Na Kontra Droga! Inilunsad

      MAS pinalakas ang pinagsanib na pwersa ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, kasama ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga sektor ng lipunan sa paglulunsad ng programang “Tayo Na Kontra Droga,” isang programang magwawakas sa paggamit at pagtutulak ng droga, mula sa matibay na direktiba at pagtugon ni Mayor Jun Ynares sa plataporma ni President Rodrigo Duterte.

    • Mayor Ynares, Nagpatupad ng Random Drug Test sa BJMP ng Antipolo

      HINDI natitinag si Mayor Jun Ynares sa pagpapairal ng malinis na pamahalaan at pamayanan mula sa patuloy nitong pagmamando sa pagsasagawa ng random drug test sa lungsod. Kamakailan nitong Setyembre, nagkaroon ng random drug test sa mga opisyales ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP)-Antipolo kung saan isa sa mga ito ang nagpositibo na gumagamit ng drograng methamphetamine o mas kilala bilang shabu.

    • Meralco, Antipolo City Mas Pinagtibay ang Ugnayan

      MAS pinagtibay ang ugnayan ng Meralco at ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Antipolo City Hall noong Oktubre 18, 2016. Layon nitong ma-isapormal ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig na nakatuon sa mga programa na nagbibigay ng kuryente sa mga komunidad, kahandaan sa mga kalamidad, energy and environmental conservation, stratehiya sa urban planning on energy requirements, at iba pang mga proyekto.

    • 21st BHWs Convention Federation of Rizal, Idinaos sa Antipolo City

      PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang pagdiriwang ng ika-21 na convention ng Barangay Health Workers (BHWs) Federation of Rizal na ginanap sa Ynares Center noong Oktubre 20, 2016. Nagtipun-tipon ang humigit kumulang na 1,500 BHW kasama ang mga doktor at mga kagawad na kumakatawan sa kani-kanilang bayan, upang maibahagi ang mga proyekto at programang nasimulan na at ipagpapatuloy pa para sa mamamayan ng Rizal.

    • World Teachers’ Day: Mayor Ynares, Kabalikat ng mga Gurong Antipoleño sa Pagbabago

      NAPUNO ng libu-libong guro ng Antipolo City ang Ynares Center sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day na may temang “Gurong Antipoleño Kabalikat sa Pagbabago” noong Oktubre 3, 2016  kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo. Namigay ang pamahalaang lokal, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng halos P100,000 na cash prizes sa mga gurong nagwagi mula sa iba’t ibang patimpalak at palaro.

    • Libreng Wheelchairs Handog Para sa mga Batang May Kapansanan at Senior Citizen sa Antipolo

      HALOS P 150,000 halaga ng wheelchairs ang ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, para sa mga senior citizens ng lungsod. Kasabay din nito, tinanggap ng mga batang may kapansanan ang kanilang wheelchairs mula sa pamahalaang lokal katuwang ang Philippine Band of Mercy, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Oktubre 17, 2016 sa Sumulong Park.

  • Latest News

    • Earth Hour 2017 - March 25, 2017 (Saturday, 8:30pm)

      Makiisa sa pagdiriwang ng EARTH HOUR sa darating na Sabado, March 25, magpatay ng ilaw at mga hindi esensyal na kasangkapan sa loob ng isang oras mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi upang ipakita sa buong mundo ang ating pagkilos upang labanan ang mga epekto ng global warming at climate change.

    • 3-day Wedding Fair sa Antipolo, Panalo!

      MATAGUMPAY na idinaos ang 3-day Wedding Fair ng Pamahalaang Lungsod sa Robinsons Place Antipolo noong Marso 10, 2017. Tampok sa 3-day fair ang Kasalang Bayan na pinamunuan ni Mayor Jun Ynares, libreng reception na sagot ng mga catering services na nakabase sa lungsod, bridal fashion show, hair and makeup competition at Concierto De Amor.

    • DTI-Rizal at PIA-CaLaBaRzon, Nagdaos ng Kapihan sa Antipolo City

      Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa “Kapihan” ng Department of Trade and Industry (DTI)- Rizal at ng Philippine Information Agency (PIA) upang magpalaganap ng mga impormasyon at programang makakatulong sa mga negosyante at konsumer patungkol sa kalidad ng mga produkto ng Rizal.

    • First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill - March 31, 2017

      Makilahok sa First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa darating na Biyernes, Marso 31, 2017 sa ganap na ika-9 ng umaga sa Sumulong Park. Sama-sama tayong magduck, cover and hold patungo sa kaligtasan.

    • Pagtatapos ng Drug Surrenderers sa CRBP, Tagumpay ng Antipolo Kontra-Droga

      NABIGYAN ng bagong pag-asa ang panibagong grupo na 39 drug surrenderers na nagtapos sa Comprehensive Community-based Drug Intervention Program (CCBDIP) ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na ginanap noong Marso 11, 2017 sa Barangay Cupang.

    • Antipolo City Cooperatives, Suportado ng National Agencies

      NAGPAKITA ng kanilang suporta ang mga nasyunal na ahensya ng gobyerno sa naganap na Cooperative Assessment and Planning Session 2017 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo noong Marso 9, 2017 sa Hinulugang Taktak Hall, Antipolo City Hall. Nakiisa sa programa ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST).

    • Mas Mataas na Salary Compensation para sa SPES Beneficiaries sa Antipolo

      MAS mataas na salary compensation ngayong 2017 ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), para sa mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES). Makakatanggap ng P 430.00 salary rate per day ang mga SPES beneficiaries ngayong taon na mas malaki kumpara sa dating P 340.00 per day.

    • Bb. Pilipinas Candidate, Ipinagmamalaki ng Antipolo

      Si Mayor Jun Ynares kasama ang kalahok ng Binibining Pilipinas na si Clarise Marion Villareal ng Brgy. San Roque sa ginawang courtesy call noong Marso 13, 2017 sa Antipolo City Hall.