Government at Work

MASAYANG nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares sa pagdiriwang ng DepEd-Antipolo ng World Teachers’ Day at National Teachers’ Month na dinaluhan ng halos 5,000 na mga guro sa Ynares Center noong Oktubre 4, 2017.

Nakiisa si Antipolo Mayor Jun Ynares sa ginanap na pagdiriwang ng World Teachers Day 2017 noong Oktubre 2, 2017 sa Ynares Center na may temang “Mga Lider at Guro na may Puso, tatak DepEd-Rizal ‘Yan’.”

Kinilala ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang 16 na dating “canvassers” na ngayo’y mayroon ng mga regular na trabaho mula sa pamahalang lokal sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 25, 2017.

Mainit na tinanggap ni Mayor Jun Ynares ang courtesy call ni Arwind Abriel San Agustin ng Brgy. Dela Paz, kandidato sa Grand Finals ng Philippines’ Little Star, noong Oktubre 2, 2017 sa Antipolo City Hall.

Si Mayor Jun Ynares habang ibinabahagi ang kahalagahan ng edukasyon at pagsuporta ng lungsod sa panukalang Free Tuition Fee sa harap ng faculty, staff at school administration ng University of Rizal System sa isinagawang 16th Foundation Anniversary noong Agosto 11, 2017 sa Ynares Center.

ISA na namang matagumpay na taon ang 2016 para sa lungsod ng Antipolo nang muling kilalanin at gawaran ito ng National Competitiveness Council (NCC) bilang 1st Place sa Overall Competitiveness sa Component City Category sa ginanap na Regional Competitiveness Summit noong Agosto 16, 2017 sa CCP Complex, Manila.

NAGTANIM ng 1,200 punong-kahoy ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama sina Senador Cynthia Villar at Rotary International District Governor Edwin Afzelius sa isinagawang tree planting activity sa Government Center (GC) Eco Park, Brgy. San Jose noong Hulyo 30, 2017.

DAAN-DAANG katao ang dumagsa sa blessing at Grand Opening ng SM Cherry Antipolo na pinangunahan nina SM Prime Holdings Inc. Non-Executive Director at Executive Committee Chairperson, Mr. Hans Sy at SM Prime Holdings Inc. President and Executive Director, Mr. Jeffrey C. Lim, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Governor Rebecca “Nini” Ynares, noong Hunyo 30, 2017.

Tinalakay ni Mayor Jun Ynares (larawan) noong Hulyo 3, 2017 sa Flag Raising Ceremony sa harap ng mga kawani ng pamahalaang lokal at panlalawigan ang naging alok ng Antipolo na 25 hektarya sa Senado ng Pilipinas upang gamiting lupang pagtatayuan ng kanilang Punong-tanggapan.

DALAWANG Antipoleño ang napabilang sa “Ten Most Outstanding Rizaleños” na kinilala sa Gawad Rizal 2017 noong Hunyo 21, 2017 sa SM City Event Center, Masinag. Pinarangalan sina Remedios G. Aquino at Sergio R. Ortiz-Luis Jr. matapos magpamalas ng kanilang husay sa larangan ng Education Management at Export Business.