Government at Work

NAGLUNSAD ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at AGBIAG Party List, ng Special Training for Employment Program noong Oktubre 20, 2015 sa Antipolo City Hall bilang bahagi ng scholarship program. Tumanggap ang 35 na iskolar ng sertipiko na nagpapatunay ng kanilang kakayahan sa shielded metal arc welding.

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ng P1.6 milyon scholarship grant sa 226 mga iskolar ng Antipolo noong Oktubre 22, 2015 na ginanap sa Ynares Center Antipolo City.