Government at Work

Malugod na tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares at kanyang mga department heads ang mga graduating AB Political Science students at faculty ng University of Rizal System - Pililla Campus para sa kanilang academic study tour ng mga modelong pamahalaang lokal.

Namahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares ng higit P1.4 M na tulong pinansyal sa halos 150 na residente ng lungsod sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng CSWD ngayong Oktubre 16, 2018 sa loob ng tanggapan ng punong lungsod.

Si City Mayor Jun Ynares habang inaabot ang Certificate of Recognition sa mga mag-aaral ng Sumilang Elementary School at San Isidro Elementary School sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park.

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 25 honor students ng Antipolo Institute of Technology (AiTECH) noong Setyembre 24, 2018 sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park.

Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Jun Ynares ang mga sakripisyo at paghihirap ng lahat ng mga guro sa lalawigan ng Rizal sa ginanap na selebrasyon ng World Teachers’ Day ng DepEd-Rizal noong Oktubre 2, 2018 sa Ynares Center.

Antipolo City Mayor Jun Ynares kasama sina Mike Potenciano, isang All time Car Racing Champion at Motorsport Consultant ng PETRON at ang pamunuan ng Team Racing Antipolenos Inc, para pag usapan ang susunod at mas malaking karera ng mga kotse at motor matapos ang isang matagumpay na karera ng mga motor nitong nakaraang linggo na naganap sa Robinsons Place Antipolo.

Nakiisa si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa selebrasyon ng National Teachers’ Day at World Teachers’ Day kasama ang lahat ng mga tinuturing nating pangalawang magulang mula sa DepEd-Rizal ngayong Oktubre 2, 2018 sa Ynares Center.

Pinarangalan ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 13 kawani na kinilala bilang loyalty awardees sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park.

Tumanggap ng mga bagong office equipment ang Philippine National Police (PNP) – Antipolo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Monday Flag Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park.

Si Mayor Jun Ynares kasama ang mga bagong halal na opisyal ng student body ng Antipolo Institute of Technology (AiTECH) sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park.