Government at Work

Si City Mayor Jun Ynares habang inaabot ang Certificate of Recognition kay Genesis Walcher, mas kilala bilang Patricia Javier, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park.

Ginunita ang ika-5 anibersaryo ng Yes to Green Program na isa sa mga priority programs ni butihing gobernadora Nini Ynares.

Nakibahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa isinagawang Distribution of Scholarship Grant sa mga benepisyaryo ng Iskolar ng Antipolo Program ng Pamahalaang Lungsod nitong nakaraang Linggo, Setyembre 23, 2018 sa Ynares Events Center sa Rizal Provincial Capitol Complex.

Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pagpapasinaya sa bagong elevator ng Antipolo City Hall nitong Lunes, Setyembre 24, 2018. Ang naturang elevator ay handang magserbisyo sa mga Persons with Disabilities (PWDs), mga buntis at senior citizens na magsasagawa ng kanilang mga transaksyon sa mga tanggapan ng city hall.

Pinangasiwaan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Millennial Antipolo Boom Youth nitong Lunes, Setyembre 24, 2018 sa Tanggapan ng Alkalde sa Antipolo City Hall.

 The newly-elected officials of the Senior Citizens Federation of Barangay Muntindilaw paid a courtesy visit to Antipolo City Mayor Jun Ynares at his office at the Antipolo City Hall.

Binisita at kinumusta ni Antipolo City Mayor Jun Ynares nitong nakaraang Sabado, Setyembre 22, 2018 ang mga pamilyang naging biktima ng sunog sa Barangay Mambugan kamakailan.

Mainit na tinanggap ni City Mayor Jun Ynares (dulo kaliwa) noong Setyembre 17, 2018 sa kaniyang opisina ang mga atletang Antipolenyo na sina Arjay Zapanta (Taekwondo) at Erliana Bulanadi (Gymnastics), na nagwagi sa Palarong Pambansa 2018.

May pitumpu't apat na benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan para sa Disadvantaged o TUPAD Program ang sumailalim sa orientation nitong Miyerkules, Setyembre 12, 2018 sa Antipolo City Hall.

Magiliw na nakibahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares at mga anak na sina Via at Cassandra sa isinagawang gift giving activity ng Philippine Nedo Kagyu Bodhi Dharma Foundation Inc. nitong nakaraang Linggo, Setyembre 9, 2018 sa Sitio Tanza I, Barangay San Jose.