Government at Work

Si Antipolo Mayor Jun Ynares (pangalawa mula kaliwa) kasama ang mga estudyanteng masaya sa ipinatayong bagong gusali at covered court ng Pamahalaang Lungsod  sa ginanap na pagpapasinayaan ng bagong building at covered court ng Dalig-Extension noong Marso 23, 2016.

PINAMAHAGI ng lokal na pamahalaan ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang “Sagot ka ni Dok Health Cards” sa halos 2,000 Antipoleño na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa ikalawang distrito ng lungsod noong Marso 3, 2016 sa Ynares Center.

Pinangunahan ni Mayor Jun Ynares ang pamimigay sa mga residente ng Sitio Dumpsite ng mga bigas at noodle soup mula sa Pamahalaang Lungsod sa naganap na Rice Distribution noong Marso 2, 2016.

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ngayong Pebrero ang pag-iikot sa mga barangay upang maghandog ng libreng livelihood trainings para sa taong ito kaakibat ng programang “Hanap-buhay sa Bawat Bahay” sa dalawang sitio sa Barangay Mayamot.

HINIKAYAT ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang lahat ng kooperatiba sa lungsod na sumunod sa pamantayan ng Cooperative Development Authority (CDA) upang patuloy na makilala bilang mga lehitimong samahan sa ginanap na orientation seminar ukol sa Cooperative Annual Compliance noong Pebrero 17, 2016 sa Hinulugang Taktak Hall, Antipolo City Hall.

Pormal nang pinasinayaan ang Antipolo City Hospital System Annex III, ang pinakabagong pampublikong pagamutan sa lungsod nitong nakaraang Biyernes, Marso 4, 2016. Mismong si Antipolo City Mayor Jun Ynares ang namuno sa ribbon-cutting ceremony kasama ang iba pang kasalukuyan at nakalipas na mga pinuno ng Lalawigan ng Rizal tulad ni dating Rizal Congressman Gilberto Duavit, Antipolo 1st District Congressman Robbie Puno at Antipolo 2nd District Congressman Romeo Acop.

NATUWA ang mga residente ng Barangay Mayamot at San Roque na nakatanggap ng libreng check-up at dental services sa ginanap na Medical at Dental Mission mula sa Pamahalaang Lungsod noong Pebrero 13 at 14, 2016. Ito ang pang-apat na medical at dental mission na naisagawa ngayong buwan ng Pebrero.

Mayroon na namang 32 na bata ang nahandugan ng “Libreng Operasyon Bingot” ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares katuwang ang Philippine Band of Mercy (PBM) na ginanap noong Pebrero 6, 2016 sa Antipolo City Hospital System Annex I sa Brgy. Dela Paz.

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Operation Blessing Foundation (OBF), ng libreng wheelchairs sa mga residente na PWD (Persons-With-Disabilities). Ginanap ang malakihang paghahandog sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares noong Enero 29, 2016 sa Sumulong Park. Ikinatuwa ng mga PWD ang pamimigay ng 33 wheelchairs, 2 saklay at isang stroller.