Government at Work

Antipolo City Government at Work

Turn over of 21 million peso supplementary fund from the DSWD last July 10, 2018 to finance the feeding programs of the City Government

NAGSANIB-PWERSA ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para maprotektahan ang kapakanan ng mga manggagawa sa ginanap na 2-Day Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Person Seminar noong Hulyo 19-20, 2018 sa Antipolo City Hall.

Sina (R-L) Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A Regional Director Atty. Evelyn Ramos, Antipolo City Mayor Jun Ynares, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnel Ignacio, at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Welfare and Employment Office OIC-Director IV Virgilio Carreon Jr. habang nilalagdaan ang Memorandum of Agreement tungkol sa

TINUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang ilang problemang kinakaharap ng mga kabataang tinaguriang Generation Z na may edad 12 hanggang 22 taong gulang sa ginanap na “Kabataan Kabalikat sa Kalusugan Youth Summit” noong Hulyo 7, 2018 sa Antipolo Sports Educational Hub.

Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares, Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan at mga kawani ng pamahalaang lungsod ang blessing at inaguration ng bagong bukas na Insular Multi-Purpose Hall / Day-Care Center na ginanap noong Hulyo 4, 2018 sa Brgy. San Luis.

Si Antipolo City Mayor Jun Ynares (gitna), kasama si Department of Labor and Employment (DOLE) Supervising Labor & Employment Officer Victoria Natanawan, gayundin ang mga kawani ng Antipolo City Gov’t at mga punong barangay ng San Roque, San Isidro, at Muntindilaw sa ginanap na turn-over ceremony ng DOLE Livelihood Assistant Grant noong Hunyo 25, 2018 sa Sumulong Park.

Ipinagmalaki ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Unified Ladies Association Women’s Initiative noong Hunyo 25, 2018 sa Sumulong Park matapos itong tumanggap ng 1.56 milyong pisong livelihood grant mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa programang dressmaking at shoemaking.

Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang sama-samang panunumpa sa katungkulan ng mga nahalal na Punong Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Chairman kasama ang kani-kanilang mga kagawad noong Hunyo 25, 2018 sa Sumulong Park.

Si City Mayor Jun Ynares (unang hanay, ikapito mula kanan) kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo gayundin ang mga bagong Punong Barangay, Sangguniang Kabataan (SK) Chairman, at mga Kagawad sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Hunyo 25, 2018 sa Sumulong Park.

Si Mayor Jun Ynares habang nagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa isinagawang distribution ng scholarship grants ng Antipolo City Government sa 171 scholars noong Hunyo 16, 2018 sa Rizal Provincial Capitol. May kabuuang 1 milyong pisong scholarship grant ang naibahagi ng pamahalaang lokal sa 4th batch ng mga scholar sa kolehiyo, high school, Special Education, anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) gayundin sa mga working students bilang tulong sa kanilang pag-aaral.