Government at Work

Si Mayor Jun Ynares (ikalima mula kanan) kasama ang mga kawani ng Antipolo City Gov’t at Department of Education (DepEd) Antipolo sa ginanap na blessing at inauguration ng pinatayo ng lokal na pamahalaan na dalawang bagong tayong 4 storey, 12 classroom school buildings sa Taguete Elementary School, Brgy. Cupang noong Mayo 30, 2018.

Masayang tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares (kanan) ang pagbisita ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro para sa taunang “Ahunan Sa Antipolo” noong Hunyo 4, 2018.

Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pamamahagi ng scholarship grants sa isandaan at pitumpu't isang scholar ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Iskolar ng Antipolo Program nitong nakaraang Sabado, Hunyo 16, 2018 sa Ynares Hall ng Rizal Provincial Capitol Building.

ISANG magandang regalo para sa mga residente ng Barangay Bagong Nayon ang bagong renovated na Rural Health Unit (RHU) III na naisakatuparan sa pagtutulungan ng SM Foundation at Antipolo City government.

MAINIT na tinanggap ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 14 delegado ng Munisipalidad ng Tagum, Davao nang mapiling model LGU ang lungsod para sa kanilang Lakbay-Aral noong Mayo 28 at 29, 2018 na ginanap sa Antipolo City Hall.

Lumagda si Antipolo City Mayor Jun Ynares (pangalawa mula kanan, unang hanay) at Seňora Almudena Morales Asensio, Mayor ng Laujar de Andarax, Spain, ng isang Sisterhood Agreement nang bumisita ang mga delegado ng Munisipalidad ng Laujar de Andarax para sa isang Lakbay-Aral noong Mayo 22, 2018.

May apatnapu't limang kabataan mula sa Antipolo ang tumanggap ng scholarship grant mula kay Mr. Young Keun Jin ng Eastern Gate Garments sa Barangay San Roque nitong nakaraang Huwebes, Abril 19, 2018 sa Hamaka Hall ng Antipolo City Hall.

KINILALA at pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga mag-aaral at guro mula sa 65 na pampublikong paaralan sa elementary at senior high school na nagpakita ng katatagan at pagsisikap na labanan ang kahirapan ng buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Nakibahagi si Antipolo City Mayor Ynares sa idinaos na Graduation Rites ng Antipolo City Senior High School nitong nakaraang Martes, Abril 3, 2018 sa covered court ng paaralan na kung saan ay pinabaunan niya ng inspirasyonal na mensahe ang mga batang nagsipagtapos.

Nakibahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa idinaos na Graduation Rites ng Mambugan I Elementary School nitong nakaraang Martes, Abril 3, 2018 sa covered court ng paaralan na kung saan ay pinabaunan niya ng inspirasyonal na mensahe ang mga batang nagsipagtapos at lumahok sa paggawad ng gantimpala sa mga napiling Natatanging Mag-aaral at Numero Unong Guro para sa taong 2018.