Mga Kapwa ko AntipoleƱo:

Maraming salamat sa pakikiisa sa ating Pamahalaang Lungsod sa nagdaang mga taon! Dahil sa inyo, ang paglalakbay natin tungo sa pagiging Numero Uno ay natupad na!

Nagawa nating bumangon at isa na tayo ngayon sa mga nangunguna sa pangangalaga ng kalikasan; sa pagsasaayos ng komunidad sa pamamagitan ng komprehensibong programa sa imprastraktura; sa pag-iingat sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan; sa pagpapasigla ng lokal na ekonomiya na lumilikha ng maraming trabaho at kabuhayan; sa pag-aaruga sa ating mga nakatatanda at kababaihan at sa sumusuporta sa mga mag-aaral!

Tayo Na, Antipolo!

Ipagpatuloy natin ang pag-ANGAT at pag-ABANTE ng mahal nating lungsod!

Mayor Jun Ynares