HALOS P 150,000 halaga ng wheelchairs ang ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, para sa mga senior citizens ng lungsod. Kasabay din nito, tinanggap ng mga batang may kapansanan ang kanilang wheelchairs mula sa pamahalaang lokal katuwang ang Philippine Band of Mercy, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Oktubre 17, 2016 sa Sumulong Park.

Umabot na sa mahigit 200 ang napamahaging wheelchairs ng pamahalaang lungsod simula pa noong 2014.

“Ibang kaligayahan po ang aming nararamdaman sa tuwing nakakapagbigay tulong tayo sa mga nangangailangan. Kung tutuusin, maliit na bagay lamang po ang pagbibigay ng wheelchairs ngunit kahit papaano po ay napapagaan nito ang inyong pang-araw-araw na buhay. Kung kayo po ay may mga kakilala na nangangailangan ng wheelchairs mangyari lamang pong makipag-ugnayan sa ating City Social Welfare and Development upang sila din po ay ating matulungan,” sabi ni Mayor Ynares.

wheelchair2

wheelchair3

Ipinaabot naman ng mga senior citizens at ng mga magulang ng mga batang nahandugan ng wheelchairs ang kanilang pasasalamat kay Mayor Ynares at sa bumubuo ng pamahalaang lungsod dahil sa patuloy na pamimigay ng mga wheelchairs sa mga nangangailangang Antipolenyo.

Nagkaroon din ng wheelchair distribution nitong Setyembre 30 kung saan nabigyan ang  20 na senior citizens at Persons-With-Disabilities (PWDs).