MAS pinagtibay ang ugnayan ng Meralco at ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Antipolo City Hall noong Oktubre 18, 2016. Layon nitong ma-isapormal ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig na nakatuon sa mga programa na nagbibigay ng kuryente sa mga komunidad, kahandaan sa mga kalamidad, energy and environmental conservation, stratehiya sa urban planning on energy requirements, at iba pang mga proyekto.

“I would like to thank Meralco for formalizing, cementing, reinforcing, and giving emphasis to our partnership. Dapat namang isa-pormal at kilalanin ang pagtulong na ginagawa ng Meralco for the longest time, not just for Antipolo City but for the entire province of Rizal and our country as well,” pasasalamat ni Mayor Ynares.

Meralco Ugnayan

 

Inanunsyo ni Redel Domingo, Meralco Assistant Vice President, ang napipintong pagpapatayo ng karagdagang Meralco Business Center sa may Circumferential Road sa susunod na taon para sa mga Antipoleño na nakatira sa kabayanan.

Meralco Ugnayan2

Isa ang Meralco sa naging katuwang ng pamahalaang lokal sa pagbuo ng Comprehensive Development Plan ng Antipolo sa taong 2017-2019 kaaugnay sa paghahatid ng serbisyong elektrisidad sa publiko.

Meralco Ugnayan3

 

Nagkakaroon din ng mga forum para sa mga nasa sektor ng business tungkol sa wastong paggamit at pagtitipid ng kuryente, pagsisiguro ng tamang metering ng mga pasilidad ng pamahalaang lokal partikular ang streetlights, at pangangasiwa ng seminar ukol sa mga paghahanda tuwing may kalamidad gaya ng electrical safety at typhoon watch.