Sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Rizal Provincial Government nitong Lunes ng umaga sa Ynares Center Complex, tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang plake ng pagkilala ay iginawad ni Rizal Provincial Governor Nini Ynares kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal. Ang SGLG ay taunang parangal na iginagawad ng DILG sa mga Local Government Units na nakapasa sa mataas na batayan ng kahusayan at katapatan sa pamamalakad ng bayan.