TUMANGGAP ng cash incentive ang mga Antipolenyong centenarians na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa pamahalaang lokal, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (CSWD) sa ginawang pagkilala noong Mayo 8, 2017 sa Antipolo City Hall. Alinsunod ito sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na nagsasaad na ang sinumang Pilipino na tutungtong sa edad na isangdaan ay makakatanggap ng 100,000 pesos na gantimpala mula sa pamahalaan. 

“Bilang isang doktor alam ko na bihira lamang ang makarating sa edad na isangdaan at nakakabilib at napakapalad ninyo dahil nabiyayaan kayo ng mahabang buhay. Iba’t ibang pangyayari ang inyong nasaksihan sa paglipas ng panahon at isa dito ang pag-usbong ng lungsod ng Antipolo mula sa isang maliit na pamayanan patungo sa isang malaki at matatag na lungsod. Ang inyong tibay sa pagharap sa buhay ay isang inspirasyon sa nakararami kaya’t isang karangalan na kayo ay kilalanin ng pamahalaan, “sabi ni Mayor Ynares.

PIO 0002 Centenarian

PIO 0072 CentenarianAng mga centenarians ng lungsod ng Antipolo, kasama si Mayor Jun Ynares, habang tinatanggap ang kanilang insentibo sa ginawang pagkilala noong Mayo 8, 2017 sa Antipolo City Hall. Nagkakahalaga ng P100,000 ang iginawad ng Pamahalaang Lungsod alinsunod sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na nagsasaad na ang sinumang Pilipino na tutungtong sa edad na isangdaan ay makakatanggap ng 100,000 pesos na gantimpala mula sa pamahalaan. Kinilala ang anim na centenarians na sina Fatima Sancula ng San Luis, Florentina Villamor ng Cupang, Consorcia de Guzman ng Sta Cruz, Florentino dela Cruz ng Mayamot, Martina Arao ng Dalig, at Marcelina Pangilinan na nagmula sa Broadway Pines Executive Village.

Kinilala sina Fatima Sancula ng San Luis, Florentina Villamor ng Cupang, Consorcia de Guzman ng Sta Cruz, Florentino dela Cruz ng Mayamot, Martina Arao ng Dalig, at si Marcelina Pangilinan na nagmula sa Broadway Pines Executive Village.