Si Mayor Jun Ynares, kasama ang kanyang may-bahay at kanilang dalawang anak, matapos ang pagtanggap sa prestihiyosong parangal na “Ulirang Ama Awardee 2017” mula sa Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc sa isinagawang awarding ceremony, kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, noong Hunyo 18, 2017 sa Manila Hotel.

Nabigyan ng parangal si Mayor Jun dahil sa pagiging mabuting ehemplo sa kanyang pamilya at sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng pagiging abala sa paglilingkod sa bayan ay nabibigyan pa rin niya ng sapat na panahon at atensyon ang tungkulin niya bilang ama sa kanyang pamilya.