DALAWANG Antipoleño ang napabilang sa “Ten Most Outstanding Rizaleños” na kinilala sa Gawad Rizal 2017 noong Hunyo 21, 2017 sa SM City Event Center, Masinag. Pinarangalan sina Remedios G. Aquino at Sergio R. Ortiz-Luis Jr. matapos magpamalas ng kanilang husay sa larangan ng Education Management at Export Business. Isang karangalan ito sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na dumalo sa Awarding Ceremony kasama sina retired Supreme Court Chief Justice Sir Reynato S. Puno bilang Supreme Commander ng Knights of Rizal na nagsilbing keynote speaker at ICCT Colleges Chairman and Hon. Consul to the Republic of Namibia, Dr. William Co na nagbigay rin ng makabuluhang mensahe.

Sa talumpati ni Mayor Ynares, ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagiging Rizaleño ay ang pagpili ng tamang landas sa buhay at ang pagkakaroon ng kagustuhang makatulong at makagawa ng mabuti sa kapwa. Aniya, binabati niya ang lahat ng Rizaleño na nagpatunay nito at patuloy na inilalaan ang kanilang buhay sa pagtulong sa kanilang kapwa.

GawadRizal2017 1

Bahagi ang naturang programa ng pagdiriwang ng ika-7 na taong Anibersaryo ng Rizaleño Sulo magazine kung saan layunin nito na bigyang pagkilala ang mga natatanging kontribusyon ng mga Rizaleño sa iba’t ibang larangang kanilang kinabibilangan.

GawadRizal2017 2

Kabilang naman sa mga pinarangalan sina Res Septimo Cortez sa larangan ng Film Cinema; Teodoro F. Cruz II sa Medicine; Randy A. Donato sa Farming; Francisco F. Gonzaga sa Corporate Management; Lemuel L. Magracia sa Business; Francisco Ben Reyes sa Golf Sports; Armando C. Velasco sa Judiciary; at Andre P. Vocalan sa Food Entrepreneur.