Tinalakay ni Mayor Jun Ynares (larawan) noong Hulyo 3, 2017 sa Flag Raising Ceremony sa harap ng mga kawani ng pamahalaang lokal at panlalawigan ang naging alok ng Antipolo na 25 hektarya sa Senado ng Pilipinas upang gamiting lupang pagtatayuan ng kanilang Punong-tanggapan. Naging paksa rin ng pagtitipon sa Ynares Center ang mga nakakahimok na dahilan kung bakit Antipolo ang pinakamagandang lugar sa mga pagpipilian.

 

AloksaSenado

Kasamang nabanggit ang mga nakaraang pagpupulong ng komite, sa pangangasiwa ni Senate Account Committee Chair Sen. Lacson, kung saan nakakuha ng positibong reaksyon mula sa mga senador ang panukala na sa Antipolo nalang sila lumipat. Naidagdag din na maganda ang naging sentimiento ng mga empleyado ng Senado kung ililipat ang Mataas na Kapulungan sa lungsod.