Mainit na tinanggap ni Mayor Jun Ynares ang courtesy call ni Arwind Abriel San Agustin ng Brgy. Dela Paz, kandidato sa Grand Finals ng Philippines’ Little Star, noong Oktubre 2, 2017 sa Antipolo City Hall.

Napabilib ni Arwind ang punong lungsod sa kanyang sipag at tapang sa pagsali sa nasabing kumpetisyon gayundin ang kaniyang husay at talento sa modeling na naging daan upang maging isa siya sa mga pagpipiliang makapasok sa nalalapit na Grand Gala Coronation na gaganapin sa Oktubre 15, 2017. Bukod sa pagmomodelo, ibinahagi rin niya kay Mayor Ynares ang pangarap niyang maging chef balang-araw.