Kinilala ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang 16 na dating “canvassers” na ngayo’y mayroon ng mga regular na trabaho mula sa pamahalang lokal sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 25, 2017. Katuwang ang City Administrator’s Office at Public Employment Service Office (PESO), nagkaroon ng marangal at disenteng trabaho ang mga “canvassers” at hindi na nila kailangan pang mamerwisyo ng mga motorista para lamang kumita.