Nakiisa si Antipolo Mayor Jun Ynares sa ginanap na pagdiriwang ng World Teachers Day 2017 noong Oktubre 2, 2017 sa Ynares Center na may temang “Mga Lider at Guro na may Puso, tatak DepEd-Rizal ‘Yan’.” Katuwang ang DepEd-Rizal at Rizal Provincial Gov’t, ginunita sa nasabing selebrasyon ang katatagan, pagkakaisa at malasakit ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral at kapwa lingkod-bayan.

WorldTeachersDay2017

Dumalo at nakibahagi rin sina Rizal Gov. Rebecca “Nini” Ynares, Rizal 1st District Board Member Michael Duavit at Rizal 2nd District Board Member Francis Bringas sa naturang programa.