MULING nagsama-sama ang halos 3,500 kawani ng Antipolo City Government para sa Employee’s Day, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-117 na Anibersaryo ng Civil Service Commission, noong Oktubre 7, 2017 na idinaos sa Ynares Center. Nakiisa sa kasiyahan si Mayor Jun Ynares kung saan nagpamalas ang mga empleyado ng lakas, bilis, pagtutulungan at diskarte sa iba’t ibang kumpetisyon na inihanda ng City Human Resource and Management Office.

“Kami po ay natutuwa dahil ang mga programang katulad nito ay ‘di lamang bumubuo ng pagkakaisa sa ating mga kawani kung hindi pati rin nagiging daan upang maipakita nila ang kanilang mga natatagong talento. Nawa’y ‘di lamang po sa mga aktibidad kagaya nito nailalabas ang determinasyon, sipag at tiyag ng bawat isa bagkus mas maipamalas po natin ito sa lahat ng mamamayang ating pinagsisilbihan,” pahayag ni Mayor Ynares.

Lumahok ang 12 koponan sa mga larong sack race, obstacle relay, tug of war, Zumba dance at ballroom dancing. Sa huli, tinanghal na over-all champion ang grupong Dark Green na binubuo ng OPSS, CDRRMO, PIO, ACADAO at City Budget Office.

EmployeesDay DarkGreen

Kaugnay nito, naglunsad din ang pamahalaang lokal ng iba’t ibang programa noong Setyembre katulad ng mga libreng masahe at medical at blood sugar check sa mga kawani bilang pasasalamat sa kanilang tapat na serbisyo.

9000lbs AcceptChallenge

Tinanggap ng Antipolo City Government, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares (ikatlo mula kanan), kasama sina Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan. Kon. Arnel Camacho at Chief of Staff Angelito Gatlabayan, ang hamon ng FitFil Challenge na magbawas ng timbang ang mga kawani ng Antipolo sa ginanap na Employees’ Fun Day noong Oktubre 7, 2017 sa Ynares Center. Kinakailangan na umabot sa 9,000 lbs. ang kabuuang timbang na mababawas sa mga empleyado para isulong ang tamang pangangalaga ng katawan at wastong ehersisyo.