Hinamon ni Mayor Jun Ynares sa ginanap na Flag Raising Ceremony kamakailan ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pagsasabuhay ng temang “Tugon sa Hamon ng Pagbabago: Malasakit sa Lingkod Bayan” para sa ika-117 na Anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC). Kauganay nito, ginawaran ng CSC si City Health Nurse Daniel Garcia III ng Dangal ng Bayan Award para sa kaniyang natatanging sipag at malasakit.

TapatnaKawani2

Ipinamalas din nina City Administrator Robert Nacianceno at City Planning and Development Officer Rowena Zapanta ang kanilang katapatan sa pagsauli ng mga regalo tulad ng Rolex watch at salaping natanggap mula sa mga kliyente ng City Hall.