Si Mayor Jun Ynares (pangatlo mula kaliwa) habang tinatanggap ang Token of Appreciation mula kay Anyang City Mayor Lee PhilWoon mula sa South Korea kasama ang 4 pang delegado sa isinagawang courtesy call sa Antipolo City Hall noong Oktubre 6, 2017. Bukod sa pagbisita sa punong lungsod, layon din ng nasabing courtesy call ang pag-uusap patungkol sa posibilidad ng pagtutulungan ng dalawang bayan sa pagpapaunlad at pagpapalawig ng edukasyon sa lungsod.