Si Antipolo Mayor Jun Ynares sa ginanap na ika-45 na Anibersaryo ng Our Lady of Peace School (OLPS) noong Oktubre 20, 2017 sa Ynares Center. Ibinahagi ng punong alkalde ang kaniyang paghanga sa matatag, mahaba at matagumpay na pamamahala ng simbahang katolika sa paaralan.

OLPS 3

Kilala ang paaralan na malapit sa pambansang dambana ng Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

OLPS 2

Ikinatuwa ni Mayor Ynares ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga madre at kanilang mga mag-aaral sa nasabing pagdiriwang kung saan nagpakitang gilas ang mga ito sa mga natatanging presentasyong kanilang ipinamalas. Naitatag ang naturang paaralan noong 1972 sailalim ng Sisters of St. Paul of Chartres.