Si Antipolo Mayor Jun Ynares kasama ang mga miyembro ng Ynares Unified Ladies Association (YULA) Women’s Initiative sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Oktubre 23, 2017 sa Sumulong Park. Ikinatuwa ng punong lungsod nang makamit ng YULA ang Certificate of Accreditation mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa kanilang isinisulong at walang patid na programang pangkababaihan katulad ng mga livelihood projects. Bukod sa certificate, nakatanggap ang nasabing grupo ng cash incentive na aabot ng mahigit P960,000.