Si Antipolo Mayor Jun Ynares (gitna) kasama si Rizal Governor Nini Ynares (ikaanim mula kaliwa) matapos tanggapin ang parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Manila Hotel noong Nobyembre 24, 2017. Ito na ang pangatlong pagkakataon na pinarangalan ang lungsod dahil sa mahusay na pamamalakad nito sa gubyerno at bukod-tanging serbisyo sa publiko. Kinilala ang Antipolo hindi lang sa tapat na pangangasiwa ng pondo ng bayan at “government transparency,” kundi sa walang sawa nitong pagpapalakas sa mga negosyo sa lungsod, pagsusulong ng mga serbisyong nangangalaga at nagpoprotekta sa mamamayan, pagtatayo ng karagdagang imprastrakturang makakatulong sa publiko, pagpapaunlad ng turismo at matinding mga programang nangangalaga sa kalikasan. Bilang dagdag patunay pa ng mga nagagawang kagalingan ng lungsod, hinirang ng National Competitive Council (NCC) ang Antipolo na Overall Most Competitive Component City 2017 sa buong Pilipinas.