Si Antipolo Mayor Jun Ynares (ikatlo mula kanan), kasama ang iba pang pinarangalan ng Tourism Excellence Award sa ginanap na CALABARZON Tourism Summit noong Nobyembre 27, 2017 sa Bellevue Manila, Muntinlupa City. Binigyang parangal ang lungsod dahil sa maigting na pagsulong nito sa turismo, kabilang na ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa at pagpapaganda ng mga lugar sa lungsod upang maengganyo ang mga turista. Bukod dito, pinarangalan din si City Tourism Officer Marino Bacani sa City Tourism Officer Category at ang Loreland Farm Resort sa Antipolo para sa Resort Category.