Ipinaabot ni Mayor Jun Ynares ang kaniyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Southeast Metro Manila Expressway (SEMME) o C6 Expressway noong Enero 8, 2017 sa Bicutan, Taguig.

GroundBreakingC6 1

Ibinahagi ng punong lungsod na nag-iisang kahilingan niya sa pangulo ang pagbuo ng naturang expressway. Makakatulong ang SEMME  hindi lamang sa mas mabilis at maayos na biyahe ng mga motorista kundi pati rin sa pag-unlad ng turismo at negosyo sa mga bayang masasakupan nito. Bukod sa kaniya, nagpaabot din ng pasasalamat ang iba pang mga opisayles na dumalo sa nasabing seremonya.

GroundBreakingC6 2

Nakiisa si Mayor Jun Ynares (ikaapat mula sa kaliwa) sa ginanap na pagpapasinaya ng Southeast Metro Manila Expressway (SEMME) o C6 Expressway noong Enero 8, 2018 sa Bicutan, Taguig. Dumalo rin sa programa sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Bases Conversion and Development Authority President Vince Dizon, Taguig City Mayor Lani Cayetano, San Miguel Corporation Infrastructure Chief Financial Officer Raoul Eduardo Romulo at Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales. Bahagi ito ng “Build Build Build Program” ng pamahalaang nasyunal sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura at pagtatayo ng mga alternatibong ruta upang mapabilis ang biyahe ng mga motorista sa bansa.