Si Antipolo Mayor Jun Ynares (gitna) kasama si Punong Barangay Antonio Umali ng San Jose, Rodriguez, Rizal (pangalawa mula kaliwa) sa ginanap na pagpapasinaya ng bagong barangay hall sa nasabing lugar noong Marso 26, 2018. Sa pangunguna ng Rizal Provincial Government, sa pamumuno ni Governor Rebecca “Nini” Ynares, layon ng proyekto ang pagpapalakas sa serbisyo ng bawat barangay sa Rizal sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kasalukuyang imprastraktura.