Nakibahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa idinaos na Graduation Rites ng Mambugan I Elementary School nitong nakaraang Martes, Abril 3, 2018 sa covered court ng paaralan na kung saan ay pinabaunan niya ng inspirasyonal na mensahe ang mga batang nagsipagtapos at lumahok sa paggawad ng gantimpala sa mga napiling Natatanging Mag-aaral at Numero Unong Guro para sa taong 2018. Kasama ring nagpaabot ng kanilang suporta sa mga bagong graduate ang mga Konsehal mula sa Antipolo 1st District na sina Councilor Arnel Camacho, Councilor Philip Pimentel at Councilor Robert Altamirano.