Nakibahagi si Antipolo City Mayor Ynares sa idinaos na Graduation Rites ng Antipolo City Senior High School nitong nakaraang Martes, Abril 3, 2018 sa covered court ng paaralan na kung saan ay pinabaunan niya ng inspirasyonal na mensahe ang mga batang nagsipagtapos. Kasama ring nagpaabot ng kanyang suporta sa mga bagong graduate si Antipolo 1st District Councilor Jay Tapales.