Lumagda si Antipolo City Mayor Jun Ynares (pangalawa mula kanan, unang hanay) at Seňora Almudena Morales Asensio, Mayor ng Laujar de Andarax, Spain, ng isang Sisterhood Agreement nang bumisita ang mga delegado ng Munisipalidad ng Laujar de Andarax para sa isang Lakbay-Aral noong Mayo 22, 2018.

CGA Spain LakbayAral1

Sinusulong ng kasunduan ang kapatiran sa magkabilang panig at pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman na may patungkol sa pagpapaunlad ng kasaysayan, kultura, edukasyon at ekonomiya.

CGA Spain LakbayAral3

Si City Mayor Jun Ynares habang kinakamayan si Seňora Almudena Morales Asensio, Mayor ng Laujar de Andarax, Spain, pagkatapos maglagdaan ng Sisterhood Agreement noong Mayo 22, 2018 sa Antipolo City Hall para isulong ang kapatiran at pagpapalitan ng mga kaalaman na magpapaunlad sa kasaysayan, kultura, edukasyon at ekonomiya ng bawat panig. Kasabay nito ang isinagawang Lakbay-Aral ng mga delegado ng Munisipalidad ng Laujar de Andarax  sa lungsod ng Antipolo.

CGA Spain LakbayAral2

Si Antipolo City Mayor Jun Ynares habang inaabot ang isang token of appreciation kay Seňora Almudena Morales Asensio, Mayor ng Laujar de Andarax, Spain, mula sa Pamahalaang Lungsod, sa ginanap na lagdaan ng Sisterhood Agreement ng magkabilang panig noong Mayo 22, 2018. Kasabay nito ang isinagawang Lakbay-Aral ng mga delegado ng Munisipalidad ng Laujar de Andarax sa lungsod ng Antipolo.