MAINIT na tinanggap ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 14 delegado ng Munisipalidad ng Tagum, Davao nang mapiling model LGU ang lungsod para sa kanilang Lakbay-Aral noong Mayo 28 at 29, 2018 na ginanap sa Antipolo City Hall.

CGA Tagum LakbayAral1

Layon ng kanilang pagbisita ang pag-aaral sa mga hinahangaang best practices ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) patungkol sa investment promotion at business processing.

“Nakasalalay ang paglago ng mga negosyo sa lungsod sa mga proseso, programa at serbisyong hatid ng pamahalaang lokal. Ang ating pagkakaisa at maigting na pagtutulungan, sa tulong ng iba’t ibang departamento, ang magiging susi para maisakatuparan ang mga programang ito na magdadala ng tagumpay sa ating lungsod. Ako’y nagpapasalamat dahil isang karangalan ang mapabilang ang aming lungsod sa inyong lakbay-aral,” pahayag ni Mayor Ynares.

CGA Tagum LakbayAral2

Napabilib ang mga representante ng DTI-Davao del Norte Provincial Office sa ibinahagi ng BPLO at Antipolo Trade, Investment and Promotions Office (AnTIPO) tungkol sa mga ginagamit nilang istratehiya katulad ng Business One-Stop Shop (BOSS) na may tatlong pinadaling hakbang para magparehistro ng negosyo, Merge Assessment o pagiisa at One-Time Payment Process. Kabilang din sa best practices ng opisina ang Modernized Outsource and In-house Technology at Modified Inspection Scheme.

Nagsagawa na rin ng lakbay-aral ang mga LGU ng Patnanungan, Infanta, Nagcarlan, Iloilo, Clarin, Lipa at Camarines Sur para sa best practices ng lungsod pagdating sa Ecological Solid Waste Management, transportation, public market management, Suman production, turismo at pagnenegosyo. Sinundan ito ng pagbisita ng mga Mayor ng Munisipalidad ng Iloilo dahil sa pagkapanalo ng Antipolo at Rizal bilang Most Competitive City and Province sa buong bansa. Binisita rin ng Laujar de Andarax, Spain ang Antipolo para bumuo ng isang magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang partido.