ISANG magandang regalo para sa mga residente ng Barangay Bagong Nayon ang bagong renovated na Rural Health Unit (RHU) III na naisakatuparan sa pagtutulungan ng SM Foundation at Antipolo City government. Isinagawa ang “Inauguration and Turn-Over Ceremony” ng newly renovated 2-storey building noong Mayo 31, 2018 na dinaluhan nina City Mayor Jun Ynares, Ms. Connie Angeles, ang Executive Director for Health and Medical Program ng SM Foundation, City Health Officer Dr. Concepcion Lat, at Punong Barangay Larry Onza.

CGA SmartFoundation3

Laking pasasalamat ni Mayor Ynares sa pakikipag-ugnayan ng SM Foundation sa pamahalaang lungsod sa proyektong ito na may magandang layunin na mas mapaganda at mas maparami ang serbisyong medikal na maibibigay sa mga tao.

“Umaangat po at umaabante po ang lungsod ng Antipolo dahil sa pakikiisa at pagtutulungan ng mga mamamayan nito at ng mga pribadong sektor na katulad niyo. Nawa’y mas lalo pang lumago ang inyong mga layunin na nakatuon sa kapakanan ng mga kapwa natin,” sabi ni Mayor Ynares.

CGA SmartFoundation4

Pinalalahanan din niya ang mga health worker na tatao sa RHU III na gawin ang lahat para maramdaman ng mga pasyente na welcome silang magpatingin at magpagamot sa bagong renovated na pasilidad.

Sinabi naman ni Ms. Angeles na ito ang 140th na Wellness Center at 41st Community Health Center na naisakatuparan ng SM Foundation. Mayroon na rin ngayong kakayahan ang RHU III na magsilbi sa 198,780 na katao dahil sa mga karagdagang medical services at facility.

Nadagdagan ang RHU III ng TB-DOTS (Directly Observed Treatment Short-Course) na may kasamang screening ng mga pasyente, Maternity Care and Primary Care Benefit Packages, Barangay Nutrition Scholar Section, Programs on Teens and Adolescents, at mga clinic para sa Smoking Cesation, Diabetes at Hypertension.

Naglagay din ang SM Foundation ng Felicidad Sy Wellness Center for Children and the Elderly, Reception at Waiting Areas, Pharmacy, Breastfeeding Area, Doctors’ Consultation Rooms, Delivery Room, Labor and Recovery Room, Midwives’ Room, Pediatric Consultation Room, Dental Room, Treatment Room at mga comfort room.

CGA SmartFoundation5

Nagkaroon din ng lagdaan ng Deed of Donation sa pagitan ng SM Foundation and Antipolo City gov’t pagkatapos ng ribbon-cutting ceremony at blessing ng bagong ayos na pasilidad.