Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pamamahagi ng scholarship grants sa isandaan at pitumpu't isang scholar ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Iskolar ng Antipolo Program nitong nakaraang Sabado, Hunyo 16, 2018 sa Ynares Hall ng Rizal Provincial Capitol Building.

CGA ScholarshipGrants1

Ang mga benepisyaryo ng naturang programa ay tumanggap ng 2,500 hanggang 20,000 pesos depende sa kanilang kurso at kategorya ng kinabibilangang scholaship program.

CGA ScholarshipGrants2

Kasama ring nagpa-abot ng kanyang pagbati at suporta si Antipolo City Vice Mayor Josefina Gatlabayan.

CGA ScholarshipGrants3