Si Antipolo City Mayor Jun Ynares (gitna), kasama si Department of Labor and Employment (DOLE) Supervising Labor & Employment Officer Victoria Natanawan, gayundin ang mga kawani ng Antipolo City Gov’t at mga punong barangay ng San Roque, San Isidro, at Muntindilaw sa ginanap na turn-over ceremony ng DOLE Livelihood Assistant Grant noong Hunyo 25, 2018 sa Sumulong Park. Nasa 1.05 milyong piso ang natanggap ng 3 barangay para sa kanilang livelihood programs sa mga Persons Who Used Drugs (PWUDs).