Si Mayor Jun Ynares habang binabati ang isang PWD na nakapagtapos sa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) - Antipolo sa ginanap na graduation ceremony sa Ynares Event Center noong Agosto 17, 2018.

CGA ALSGraduation2

Pinatunayan ng 373 na mag-aaral na walang dahilan ang sinuman para hindi makapagtapos ng pag-aaral basta’t may determinasyon at pagsisikap sa tulong ng pamahalaang lokal at DepEd.

CGA ALSGraduation1

Masayang binati at hinandugan ng makabuluhang mensahe ni Mayor Jun Ynares ang 373 na estudyante na nakapagtapos sa programang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) - Antipolo sa ginanap na graduation ceremony sa Ynares Event Center noong Agosto 17, 2018. Ayon kay Ynares, hindi hadlang ang kahirapan o anumang suliranin para magtagumpay sa buhay. Sinabi rin niya na tuloy-tuloy ang lokal na pamahalaan katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon sa paghahatid ng serbisyong mag-aangat sa antas ng kabuhayan at magbibigay ng abot-kamay na edukasyon sa bawat Antipolenyo.