Maiinit na sinalubong ni Antipolo Mayor Jun Ynares ang mga miyembro ng Save the Mountains of Antipolo Coalition (SMAC) sa isinagawang courtesy call ng grupo noong Setyembre 3, 2018 sa Antipolo City Hall. Layunin ng naturang organisasyon ang pagpapanatili at pagpapayabong ng kalikasan gayundin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mas mapangalagaan at mas maprotektahan ang mga kabundukan sa Antipolo.