Maiinit na tinanggap ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang mga mag-aaral ng St. James College of Antipolo noong Setyembre 3, 2018 sa Antipolo City Hall para sa isang courtesy call. Napabilib ang punong lungsod sa angking dedikasyon at talento ng mga kabataang Antipolenyong nagwagi sa 31st Milo Little Olympics noong nakaraang Agosto 24 na naganap sa Marikina Sports Complex. Kabilang sa mga nasungkit ng naturang paaralan ang Most Disciplined (Elementary at High School Division) at Loudest Cheer.