May pitumpu't apat na benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan para sa Disadvantaged o TUPAD Program ang sumailalim sa orientation nitong Miyerkules, Setyembre 12, 2018 sa Antipolo City Hall. Personal na nagpaabot ng kanyang pagbati si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa mga kalahok sa programa na nagmula sa limang barangay ng lungsod na magsisilbing street cleaners sa loob ng sampung araw at tatanggap ng 400 pesos na bayad kada araw. Ang TUPAD Program ay inisyatibo ni Senator Joel Villanueva na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mga nasa laylayang sektor ng lipunan.