Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pagpapasinaya sa bagong elevator ng Antipolo City Hall nitong Lunes, Setyembre 24, 2018. Ang naturang elevator ay handang magserbisyo sa mga Persons with Disabilities (PWDs), mga buntis at senior citizens na magsasagawa ng kanilang mga transaksyon sa mga tanggapan ng city hall.