Nakibahagi si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa isinagawang Distribution of Scholarship Grant sa mga benepisyaryo ng Iskolar ng Antipolo Program ng Pamahalaang Lungsod nitong nakaraang Linggo, Setyembre 23, 2018 sa Ynares Events Center sa Rizal Provincial Capitol Complex. Sa pangunguna ni Antipolo City Scholarship Officer Lester San Juan, may kabuuang 2.1 milyong pisong halaga ng scholarship ang ipinamahagi sa 625 na scholars bilang ayuda sa kanilang pag-aaral.