Ginunita ang ika-5 anibersaryo ng Yes to Green Program na isa sa mga priority programs ni butihing gobernadora Nini Ynares. Kabilang sa mga nakibahagi sa selebrasyon si Antipolo City Mayor Jun Ynares kasama ang iba pang mga punong bayan at mga bgy chairmen ng lalawigan. Dumalo rin sa naturang okasyon si Antipolo City First Lady Andeng Ynares, Vice Mayor Josefina Gatlabayan at ilang mga Konsehal ng lungsod.