Si City Mayor Jun Ynares habang inaabot ang Certificate of Recognition kay Genesis Walcher, mas kilala bilang Patricia Javier, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park. Kinilala ng lokal na pamahalaan ang naturang artista at tubong Antipolenyo matapos itong manalo sa prestihiyosong Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 na naganap noong Setyembre 8 sa Pasay, Manila.