Si Mayor Jun Ynares kasama ang mga bagong halal na opisyal ng student body ng Antipolo Institute of Technology (AiTECH) sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park. Mainit ang naging pagbati ng punong lungsod sa mga mag-aaral matapos silang pormal na manumpa sa katungkulan bilang mga pangunahing opisyales ng AiTECH student council.