Tumanggap ng mga bagong office equipment ang Philippine National Police (PNP) – Antipolo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Monday Flag Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park. Layunin ng turn-over ceremony ang pagpapatibay ng ugnayan ng lokal na pamahalaan at pulisya gayundin ang pagpapalakas ng puwersa ng kapulisan sa lungsod.