Pinarangalan ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 13 kawani na kinilala bilang loyalty awardees sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park. Tumanggap ng cash incentive at Certificate of Recognition ang mga kawaning naglingkod ng 10 taon o higit pa sa lokal na pamahalaan.