Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Jun Ynares ang mga sakripisyo at paghihirap ng lahat ng mga guro sa lalawigan ng Rizal sa ginanap na selebrasyon ng World Teachers’ Day ng DepEd-Rizal noong Oktubre 2, 2018 sa Ynares Center. Kaugnay sa temang “Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko,” ipinagdiwang ng programa ang dakilang propesyon ng 9,000 guro at ang kanilang kontribusyon sa buhay ng mga mag-aaral pati na rin sa lipunan.