Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 25 honor students ng Antipolo Institute of Technology (AiTECH) noong Setyembre 24, 2018 sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park.

CGA AiTechStudents1

CGA AiTechStudents2

Kabilang sa iginawad ng lokal na pamahalaan sa naturang mga mag-aaral ang Grade 11 Level Award, Dean’s Lister Award, at Hard Hats kung saan kalakip ng pagkilala ang gintong medalya at Certificate of Recognition.